Naaalala ko pa ang unang araw na dumating ka sa tahimik kong buhay. Dilaw! Dilaw ang kulay ng damit mo non. Hindi pa kita gusto, wala pa akong nararamdaman para sa iyo. Nung mga panahong yon isa ka lang baguhang dumating sa isang magulong samahan. Panibagong tauhan sa kwentong nag aapoy sa excitement!. Panibagong tauhang magbibigay init sa mga gabing pinalalamig ng aircon.
Mabilis na lumipas ang mga oras at nakadaupang palad na kita!. Para tayong si Pido’t Dida, sakto ang timpla ng mga ugali natin! Pareho tayong barubal!, Pareho tayong mahilig pumuna, pareho tayong tinatawanan ang mga pagkakamali ng isa’t isa. Higit sa lahat pareho tayong ginagawang paglalambing ang pananakit at pagmumura! Punyemas! Salamat at dumating ka!
May mga pagkakataon na ikaw lang ang laman ng isip ko. Mga pagkakataong pangalan mo lang ang sinasambit ko. Pero hindi pa ako in love non wag ka munang assuming!. Masaya ka kasing kasama. Para sakin, isa kang Tanduay Ice, natikman ko lang ng isang beses hinanap hanap ko na. Addicting ba! At lagi ko talagang pinasasalamatan ang dakilang lumikha dahil sa tuwing hinahanap kita, Sakto Baby! Dumarating ka!
Hindi ka katangkaran, maputi, chinito… ayoko ng ielaborate pa! basta sakin perpekto ka! lalo kong pang naidikit ang salitang PERFECT sa’yo nung nalaman kong meron pa palang isang bagay na pareho nating gusto. Ang humawak ng mikropono.. Ooops! Teka lang!, bawal ang green minded.. Pareho kaming mahilig kumanta! That’s what I mean folks! At dahil nasa isang samahan kaming mahilig uminom ng tuba at humithit ng tabako, Weekly kami kung bumisita sa mga inuman wherein lagi kaming nagkakantahan. Magrerequest ako ng pacute: “Kantahin mo nga ulit yung SOMEWHERE DOWN THE ROAD!” Ang first two lines ng awiting yan ang magsasabi kung ano ang estado ng relasyon natin. Ambitious as it seem I don’t give a damn. Mahal na kita Boy! pero hindi mo pwedeng malaman. Natatakot akong baka iwan mo ko sa ere pag isiniwalat mo. Ayokong mauwi ako sa pagkanta ng ALONE! Hindi yon masaya. Considering na that time, you are in a relationship to girl na itago na lang natin sa pangalang, Lyn. (Lyn-tik na! Maghiwalay na nga kayo!) Minabuti ko na munang isulat sa hangin ang loveletter ko sa kanya.
Isang araw, naka receive ako ng text mula sa kanya. Hindi na daw siya pupunta sa bday party ko. Masakit man sa kadahilanang ang pagpunta niya sana ang pinaka mahal na regalong matatanggap ko, pinilit ko na lang na unawain at magreply ng “Ok lang! See you na lang sa office!”. Pero deep inside ang gusto ko talagang ireply ay “Anu ba! Pumunta ka na! Kelangan kita dito! Dahil Mahal kita! Mahal na Mahal kita! Hindi ako matatakot, mahihiya… Ano man ang sabihin nila, Dahil mahal kita!!! stop!. Dinaan ko na lang sa pagkain ng Ice cream ang araw kong sinira ng pagiinarte ni Lyn (Lyn-tik na! Mali-lyn-tikan ka sakin pag nagkita tayo! Promise!). Pero feeling ko nanandya lang talaga siya. Habang nilalantakan ko ang Haagen Dazs Vanilla raspberry swirl frozen yogurt with matching teardrops, dumating siya in his striped blue shirt. Naka smile siya, tapos sabi niya “Happy Bday! Pakain naman!”. Hindi na ako nagsalita dinala ko na sya sa dinning area. Kami lang dalawa, Iniwan ko ang mga bisita ko. Hinayaan ko silang magcelebrate ng bday ko sa labas ng bahay namin. After ko syang pakainin, niready ko na ang mga inumin at vetsin! Patay ka sakin boy! Gagahasain kita after mong tumumba!
At nangyari na nga ang kahalayan. Sa kwartong surrounded by the light from the lampshade. Hiniga ko siya sa kama kong amoy vanilla lace (thank you Victoria’s Secret), tinitigan ko lang ang maganda miyang mukha down to his chest, to his tummy and to his main manhood. Hinawakan ko ang mukha niyang mapula dahil sa alak na may halong vetsin. Ngumiti ako, hinawakan ko ang diddib niya and felt his heartbeat. Next stop, down there kay Mr. T! Tulog eh! Pinilit kong gisingin, ayaw talaga. Maya-maya lang, nagising na si Mr. T. Pero ayoko na siyang hawakan. Tama na sakin na nakita ko siya (Infairness! Nakakagutom si Mr. T!), Binalik ko siya kung saan siya nanggaling. Nalungkot ako, kasi feeling ko, I cheated on him. Hindi siya aware sa kahalayan ito. Tinabihan ko na lang siya sa pagtulog at hinawakan ang kamay niya. At katulad ng paghawak sa bato, wala akong naramdaman. Kahit na konting pagmamahal. L (biglang papasok ang kantang bawal na gamot)
Dumating ang mga araw ng pagsubok sa kanya at trip na niyang sumurrender. At isa sa mga option niya ay ang magresign sa trabaho. NO!, ayokong mangyari yon, may pinagkakautangan ka ba? magkano ba?! Joke!. Desidido na si mokong. Pero pinilit kong pinaintindi na hindi yon ang paraan para makalimot. Nalaman kong hiwalay na sila ni Lyn. OMG!!! This is it!! I won! I won!. Masaya man ako sa araw na pinaka malungkot siya, Hindi ko pinahalata ang saya pero hindi rin naman ako nag take advantage sa sitwasyon. Dinaan ko sa magandang pagpapaliwanag ang lahat. Salamat at naliwanagan siya. Nagpapasalamat din ako sa mga propesor ko sa kolehiyo na nagturo sakin ng effective strategies and tactics!. Hindi na siya magreresign. He will continue life without Lyn, instead, with Me. Lalo akong na in-love sa kanya. Pero once again, I’ll remind you. Hindi niya alam na mahal ko siya.
Mas naging close kami. This time marami na ang nakakahalata na parang ang dikit natin sa isa’t isa. May mga gossips na around office and even our officemates thought that we have something special. Meron nga ba?, gusto ko sana itanong, pero dahil sa takot na baka mawala pa. I remain silent and keep doing what we are doing. Out of his knowingness, I treated him as my boyfriend but I tried to keep it decent as I can. I’m happy enough to do all of the good things that he deserves. I just have one favor though, “Please, don’t leave me!”
Pero life was never fair. Finally, tumama na din sa akin ang batong matagal ng binato sa akin ng mga kaibigan ko. “What if, makahanap siya ulet?. Pano ka’na kung hindi mo aaminin?” I just answered them, “Well, that’s just “what if’s!”. Hindi ko man lang naisip na darating din pala ang moment na yon, Ang moment na sisira ng buhay ko.
Isang kaibigan ang nagsabing may proof daw siya na meron na nga talagang bagong karelasyon ang lalaking pinakamamahal ko. And the rumor was he’s into same sex relationship. I affronted the issue, thinking that it will just drop off in any time. I believed that he was a straight guy. He just ended from a relationship with a girl. He can never do such thing! But I was wrong. I was so wrong. And how did I come up to this conclusion? I saw it myself.
Thursday around 9:30 pm – Doomsday!
I was on my way to work. Tahimik kong tinatahak ang Ortigas Business Center ng mapadpad ang mga paa ko sa isang fast food chain na itago na lang natin sa pangalang, El Pueblo. Dumating na ang araw ng paghuhukom a little bit earlier than expected. I saw him with (name nung brumored bf). It just hurts me to see him with a guy, who happens to be our friend.Tama nga ang nasa propesiya! Sila nga talagang dalawa! Trying not to look obvious nagmadali akong naglakad palayo sa kanila pero unfortunately nahuli nila ako. Nagkunwari akong hindi ko alam ang nagaganap and gave them a casual smile. And so they did the same thing. Showing me those innocent smiles thinking that I will be convinced that they don’t have dirty little secret. Sabay sabay kaming naglakad papuntang opisina. Nagsimula nang lumipad ang isip ko, palabas ng Earth papuntang Neptune. Hindi nya natupad ang pangako nyang wag akong iwan. Hindi ko man pinahalata, pero I am so fucking hurt! Masakit na hindi ako ang pinili niya, masakit na kahit minsan hindi niya pinaramdam sakin na pwede pala siya sa ganung relasyon. Hindi ko sana tinago pa at sana’y tinanong ko na siya noon kung pwedeng maging kami, sana tinuloy ko na lang ang panghahalay ko (Char ulet!). Tinuloy ko na lang sana na komprontahin siya kung ano ba talaga kami at hindi na tinago pa ang tunay kong adhikain (ang lalim). Hindi ko na lang sana isinulat sa hangin ang loveletter ko but instead mailed it to him personally sealed with a kiss. (papasok ang kantang Kung Ako Na Lang Sana ni Bituin Escalante)
“Cause I’d rather hurt than feel nothing at all” linya yan sa kantang Need you now by Lady Antebellum na sa tuwing naririnig ko, pinapatay ang puso ko.
After mangyari ang mga nangyari, sinimulan kong nang mag slow down sa friendship namin. Hindi ko na siya kayang tignan pa. Hindi ko na kayang i-maintain ang relasyon naming as friends without making it noticeable na alam ko na ang tunay na pagkatao nya. Na alam ko na sila na ni, itago nalang natin sya sa pangalang Pooh. (poohnyeta! Baket?! Bakit nangyari to?! Bakit sakin?! Bakit mo kinain ang dapat na kakainin ko?! Hayop!!!). In short, nasaktan ako and I just need time on my own.
Day 1 – Ang Simula ng Pagbabago
Dati pa man sabay na talaga kaming mag break at lunch. Hindi ko pa man naitatanong sa mga kinauukulan kung pwede na akong magbreak or lunch ay ipinagpapaalam na nya ako and vice versa pag ako naman ang hihingi ng permiso. Pero nung araw na yon, hindi niya ako pinagpa alam ng break neither lunch. Ewan ko kung plano nya na ding idispacha ako sa buhay nya, pero deadma lang ako. Baka naman nakita nya na busy ako kaya hindi na niya ako ginambala. Charot!
Day 2 – Ang Simula ng Pagbabago part 2
Ganun pa din ang nangyari ng day 2. Hindi na naman niya ako niyaya for break or lunch. Hindi ko alam kung kulang lang talaga ako sa pansin that time, pero kasi Ritwal na naming na kung sino ang available magtanong for break or lunch, ipagpapaalam na din nya ang isa. Pero hindi niya ako pinagpaalam. So sa ibang tao ako sumama, sa isang taong nagpakita din sakin ng sweetness na naging alibi nya kuno na dahilan para hindi ko siya pansisin. Napaka galing na taktika! —- Isisi na lang natin sa ibang tao ang dahilan ng dilemma na ang main source naman talaga ay ako. Parang feeling ko ganoon ang mentality nya nung mga panahong yon. And I have to be honest, gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang suntukin sa galit that time.
Day 3 – Naisiwalat na problema
Napansin na ng karamihan na parang hindi na maganda ang mga nangyayari. Tanong sila ng tanong kung meron bang problema?. And we just keep ignoring them. May mga issues na naglalabasan like, tinabihan niya daw ako sa isang meeting pero nilayasan ko daw siya. HOLD ON FOR A SECOND! I just would like to clear that issue (wow!), hindi ko siya nilayasan to gave him an impression na iniiwasan ko siya. Umalis ako sa kinatatayuan ko kasi pumirma ako ng attendance na kailangan for documentary purpose. Babalik sana ako sa lugar kung saan ko siya iniwan pero may iba nang nakakuha ng pwesto ko. So ipagpipilitan ko ba ang sarili ko sa pwestong meron nang naka occupy wherein napakalaki naman nang office namin para ipagsiksikan ko pa yung sarili ko to that particular spot masabi lang na hindi ko siya iniiwasan. Yun ba yung gusto niya? That is way too shallow!
Issue no. 2: Kinausap nya daw ako na mag apply para sa mas mataas na posisyon sa opisina pero dineadma ko lang daw siya. Again, let me clarify this issue. Pinansin ko siya, kaso may pumasok na tawag sa telepono ko kaya hindi ko siya na entertain ng maayos. I just gave him a gesture na cutting my throat using a hand which means ayoko kasi I have no chance of getting it. If ever man na mababasa mo’to. Tell me that I did not do that gesture and you’re free to spunk me!
Day 4 – The test
My turn now, Since na lumalabas na parang ako ang masama at hindi namamansin so I tried to do a little experiment regarding this matter. Lunchtime! Naka schedule kami for lunch, I am trying to sense kung yayayain nya ba ako, but instead, nagyaya siya ng ibang tao. I waited him to approach me, but I was just like sand in the dessert who wishes for rain to come. He never did his part. Instead sumabay ako sa isang kaibigang babae, na nakapansin na din ata na may problema between us. I just said na we are fine. Hindi na siya nagtanong pa dahil busy na siya sa ipod touch niya! Ikaw na mayaman!!
Day 5- The Final desicion
Hindi ko na rin matiis ang lahat. Ayoko nang makita pa silang magkasama. Naghahalo-halo na ang emosyon ko. Naiisip ko nang magresign sa trabaho pero napipigilan ako dahil umaasa pa ako na mag kakaayos kami. Beside that, ayokong iwan ang mga kaibigan ko sa opisina. Til one time, I was checking my face book when it crossed my mind to check his. To my surprise ladies between and gentlemen, he blocked me on his face book and so as his boyfriend. Evidently, I can no longer access their page. “This is enough!” I told myself. Hindi ko na mapapayagan na masaktan pa ako. I have suffered long enough to be treated this way. I kept my silence and composure as still as I can para lang hindi sila ilaglag and this is what I get from being considerate. Immediately I printed my resignation and submitted it to my manager the next day. This is my Goodbye!
Day 6- The confirmation
“Can you have this extended?”. Tanong ng manager ko concerning my immediate resignation. I just said “No”. “Ok! I’ll approve this!” he just said. Habang tinitignan kong pinipirmahan niya ang resignation paper ko naluluha ako. Nagbabalik tanaw ako sa mga hirap na pinagdaanan ko sa una kong trabaho. Never kong naisip na mauuwi ang lahat sa maagang pamamaalam. Ang masakit pa, napakababaw na rason ang naging dahilan ko sa paglisan. Pero sabi ko nga sa isang kaibigang may mataas na posisyon sa opisina, “This is my way of moving on”, Ayaw man nya akong payagan umalis, wala din siyang nagawa kung hindi ang sumuporta sa pagreresign ko. Niyakap ko ang lahat ng taong naging bahagi ng maganda kong paglalakbay. Pinasalamatan ang lahat ng mga taong tumulong sakin para mag improved at maging magaling na ahente! Char! Nagpaalam sa mga kaibigang ayaw ko naman talagang iwanan at nag alay ng luha sa mga taong may malaking kontribusyon sa aking pagiging bayani. Mi Ultimo Adios!
Matatapos na ang oras ko sa opisina at sa wakas nagkaharap kami. Niyakap nya ako and I just return the favor! Namiss ko siya ng bongga! Ayaw ko ng kumawala sa pagkakayakap niya. Gusto ko ganun na lang forever! Pero hindi pwede. “I’ll miss you” sabi niya. “I will miss you too” sabi ko. “mag ingat ka!” sabi nya. “maghiwalay na kayo!”sabi ko, JOKE! Hindi ko sinabi yon. “I’ll talk to you soon,(name niya)” yan ang sinabi ko. “Whats up for that tone?” he asked (parang usapan lang sa pocketbook) Hindi ko na siya kinibo. Umalis na ako.
Ayoko na sa araw na yon mismo ko sabihin ang lahat. Gusto kong hintayin ang tamang oras at tamang pagkakataon para magsumbong, umiyak at magalit sa kanya. I’m so willing to wait like a customer waiting for an available supervisor to talk to para masabi sa kanya ang lahat ng mga hinaing. And just like most customers will say if you insist of a callback—IM SO WILLING TO HOLD. L
doittheronway
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010